Kahirapan sa ating bansa
“Kahirapan sa ating bansa” Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema sa ating bansa. Bakit ba may mga taong naghihirap? Anu-anu ba ang mga dahilan kung bakit tayo ay naghihirap? Nakakaepekto ba ito sa ating pang araw-araw na pamumuhay? Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno sa ating bansa noon pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad. Sabi nga ng karamihan “Katamaran ay katumbas ng kahirapan” . Kaya sila o tayo naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho pero ang totoo maraming trabaho ang nakalaan sobrang mapili lang talaga ang mga Pilipino. Dahil gusto nila na mas piliin nila na maupo na lang sa tabi na walang trabaho na hinahangad. Ang isa pa sa mga kadahilanan ay ang pagnanakaw sa pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. At ito ang pinakamalupit at talahamak na dahilan ng paghihirap sa ating bansa. Ang mga pera na para sana sa kapakanan ng taong bayan ...