Kahirapan sa ating bansa
“Kahirapan sa ating bansa”
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema sa ating bansa. Bakit ba may mga taong naghihirap? Anu-anu ba ang mga dahilan kung bakit tayo ay naghihirap? Nakakaepekto ba ito sa ating pang araw-araw na pamumuhay?
Madalas nating sisihin ang maling
pamamalakad ng mga pinuno sa ating bansa noon pero sila nga ba ang may
kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad. Sabi nga ng karamihan “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”.
Kaya sila o tayo naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho pero ang
totoo maraming trabaho ang nakalaan sobrang mapili lang talaga ang mga
Pilipino. Dahil gusto nila na mas piliin nila na maupo na lang sa tabi na
walang trabaho na hinahangad. Ang isa pa sa mga kadahilanan ay ang pagnanakaw
sa pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. At ito ang pinakamalupit at
talahamak na dahilan ng paghihirap sa ating bansa. Ang mga pera na para sana sa
kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan ng mga may
kapangyarihan sa pamahalaan.At ang mga pondo sana na para sa pagpaunlad ng
buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang
interes na para sana sa mga taong mahihirap. Kung ginagamit pa nila sa mabuting
paraan na para makatulong sa mga taong naghihirap. Ang sapilitang pangingibang
bayan ng mga Pilipino upang maghahanap ng ikakabuhay para lang sa kanilang
pamilya. Dala ng labis na kahirapan ay ito ay naging tugon ng mga Pilipino
upang makaraos at matustusan sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang salitang kapit
sa patalim ang siyang dahilan sa paglisan sa sariling bayan at mawalay sa
pamilya ay hindi madali para sa atin. Para lang makaraos sa kahirapan at
matustusan ang pang araw-araw na pamumuhay sa kanilang mga pamilya.At tinitiis
nila ang araw at oras, minuto at segundo na hindi nila kapiling ang kanilang
pamilya para matustusan lamang nila ang pangangangilangan ng kanilang pamilya.
At ito rin ay ang dahilan sa pagiging irresponsible ng mga Pilipino o kawalan
ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga
batang kalye ay malamang kawalang pagkalat-kalat na mga bata ngayon sa
lansangan, walang uhuging na bata ang makikita natin.
Ang aking masasabi kailangan mag
aaral tayo na mabuti para sa ating kinabukasan dahil hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang ating
mga pangarap sa buhay. Kaya wag tayong mawalan ng pag-asa kahit maraming pang
pagsubok na dadating sa atin. Sikap at tiyaga ang mga pangunahing sangkap upang
mapagtagumpay at makaahon sa kahirapan. Ako bilang isang kabataan ay may
layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi maging isang mahirap at hindi
maituturing na isang basura lamang sa aking lipunan. Sa simpleng pamamaraan
ako’y magsisikap para makapagtapos ng pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng
magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw,tayo,tayong lahat ay
kinakailangan ng pagkakaisa patungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa
para sa kinabukasan ng ating bayan,isang bansa na magagamit,maipagmamalaki at
higit sa lahat ay maipamana sa susunod na henerasyon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento